Ipinaliwanag ni vice president Leni Robredo kung bakit kulay pink ang kanilang napiling kulay para sa campaign color sa halip na kulay dilaw.
Ayon kay Robredo, sumisimbolo ang kulay pink sa protest pagbabago kung saan ito rin ang napiling kulay ng kanyang mga taga-suporta.
Bukod dito, sinabi rin ni Robredo na nais niyang palawakin pa ang pakikipag-alyansa sa ibang grupo.
Dagdag ni Robredo hindi ito kumandidato sa pagka-Pangulo para sa partido, kundi para pag-isahin ang lakas ng sambayanan.
Samantala, pinaliwanag naman ni Robredo kung bakit si Sen. Francis Kiko pangilinan ang kanyang napiling runningmate sa pagka-bise presidente.
Ipinabatid ni Robredo na malakas na ang karanasan ni Pangilinan bilang mambabatas, aktibista at food security kaya naniniwala ito na magagampanan ni Pangilinan ng mabuti ang pagkabise presidente ng bansa.