Sinabi ni Vice President at Presidential Aspirant Leni Robredo na maglalabas ito ng isang COVID-19 recovery plan bukas, ika-3 ng Nobyembre.
Sa isang video message ipinahayag ni Robredo na ang recovery plan na ipapakita nito ay base sa mga konsultasyon sa mga eksperto, kabilang ang epidemiologist, public health consultant at ekonomista.
Ayon kay Robredo ang mga solusyong kanilang nabuo ay mula sa karanasan ng mga doktor, ng mga nars, mga empleyado, at karaniwang Pilipino.
Nanawagan naman ang bise presidente sa kanyang mga tagasuporta na tulunganang mga nangangailangan at nahihirapan sa gitna ng pandemya. —sa panulat ni Joana Luna