Hindi magiging lider ng bansa ang Bise Presidente batay sa draft na ginawa ng liderato ng Kamara kaugnay sa pagsusulong ng federal form of government.
Ayon kay House Committee on Constitutional Amendments Chairman Vicente Veloso, sa halip na Vice President ay ang Senate President ang kanilang isinunod sa “transitory provision”.
Paliwanag ni Veloso, ito ay dahil wala pa ring pinal na desisyon ang mataas na hukuman kung sino talaga kina Vice President Leni Robredo at dating Senador Bongbong Marcos ang tunay na nakakuha ng maraming boto mula taumbayan bilang Pangalawang Pangulo.
Gayunman, sinabi ni Veloso, na nakasaad sa draft na pagkatapos ng 2022 elections ay ibabalik na sa linya ng transition ang Bise Presidente.
Batay sa saligang batas, awtomatikong hahalili bilang lider ng bansa ang Bise Presidente kung ang Pangulo ay naalis sa puwesto, nagbitiw, namatay o kaya naman ay wala nang kakayahang gampanan ang tungkulin dahil sa karamdaman.
—-