Tuloy na sa pagtakbo bilang pangulo ng bansa si Vice President Leni Robredo.
Kasunod na rin ito nang pagtanggap ni Robredo sa pag-endorso ng opposition coalition na 1Sambayan sa kanya bilang pambato nito sa 2022 presidential elections.
Sa kaniyang talumpati, sinabi ni Robredo na lalaban siya para mawakasan na ang aniya’y luma at bulok na sistemang politika sa bansa.
Binigyang-diin ni Robredo na buong-buo na ang kaniyang loob at kailangan aniyang palayain ang mga Pilipino mula sa kasalukuyang sitwasyon, kaya’t inihahain niya ang kanyang sarili bilang kandidato sa pagka-pangulo.—mula sa ulat ni Jaymark Dagala (Patrol 9)