Nanawagan si Vice President Leni Robredo kay Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang naging pahayag nito na hindi pakikinggan ang Korte Suprema at Kongreso sa usapin ng Martial Law.
Sa ipinalabas na pahayag ng Pangalawang Pangulo, aniya dapat ikabahala ang mga naturang pahayag ng Pangulo.
Giit ni Robredo, hindi maaaring isantabi ang kapangayarihan ng Korte Suprema at Kongreso na pag-aralan kung kailangang bawiin ang anumang proklamasyon ng Batas Militar at suspensyon ng writ of habeas corpus ng Pangulo.
Aniya, binuo ito upang mapanatili ang demokrasya at hindi na maulit ang mga kaganapan noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Kaugnay nito, sinabi ni Robredo na dapat ipakita ni Pangulong Duterte na sa harap ng mga nararanasang krisis sa bansa ay kayang mapanatiling tapat ng mga pinuno sa konstitusyon.
By Krista de Dios | with report from Jonathan Andal (Patrol 31)
VP may panawagan sa Pangulo hinggil sa Martial Law was last modified: May 30th, 2017 by DWIZ 882