Hindi ‘immune from suit’ ang Bise Presidente ng Pilipinas.
Ito ang binigyang din ni dating Senator at Incumbent Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero makaraang ihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na tatakbo siya bilang Pangalawang Pangulo upang magkaroon ng legal immunity.
Giit ni Escudero, malinaw ang nakasaad sa 1987 constitution na hindi ligtas sa anumang kaso ang Vice President ng bansa na sinuportahan naman nina Albay 1st Dist. Rep. Edcel Lagman at dating Supreme Court Public Information Office Chief Theodore Te.
Sinabi ni Te na ayon sa batas at tradisyon, walang proteksiyon sa mga kaso ang Pangalawang Pangulo ng bansa.