Posibleng magkaroon ng sorpresang resulta ang vice presidential race sa May 9 elections.
Ayon sa political analyst na si Professor Ramon Casiple, hindi gaanong pansinin ang labanan sa pagka-bise presidente hindi tulad ng presidential race na sinusubaybayan ng mga publiko.
Maaari anyang ikabigla ng mga nangunguna sa survey ang kanilang pangungulelat sa mismong araw ng halalan dahil posibleng manguna ang mga kandidatong may mababang survey rating.
Base sa survey ng Manila Broadcasting Company, naungusan na ni Senador Alan Peter Cayetano sa markang 18.4 percent si Liberal Party bet at Camarines Sur Rep. Leni Robredo na umani ng 17.8 percent.
Nanguna naman si Senador Bongbong Marcos na nakakuha ng 29.8 percent na sinundan ni Senador Chiz Escudero na nakakuha ng 22.6 percent.
By Drew Nacino