Kinakailangan nang magpasya ng Kongreso hinggil sa usapin ng pagpapaliban sa Barangay at SK o Sangguniang Kabataan Elections sa Oktubre.
Ito’y ayon kay Vice President Leni Robredo kasunod ng kaniyang pagkontra sa panukalang i-appoint na lamang ang mga Officer – in – Charge sa mga barangay.
Gayunman, nilinaw ng Bise Presidente na pabor siyang ipagpaliban ang nasabing halalan lalo pa kung hindi naman aniya handa ang COMELEC o Commission on Elections hinggil dito.
Pero iginiit ni Robredo, dapat bigyang kapangyarihan pa rin ang taumbayan na makapamili ng kanilang mga pinuno bilang bahagi ng umiiral na demokrasya sa bansa.