Saglit na nagtungo sina Vice President Leni Robredo at Ombudsman Conchita Carpio Morales sa plenaryo ng Senado makaraang mabilis na pag-endorso o dineklarang deemed submitted sa plenaryo ang budget para sa kani-kanilang tanggapan para sa susunod na taon.
Wala anilang kasing isang Senador na nagtanong o naghayag ng anumang kwestyon o concern sa budget ng Office of the Vice President na nagkakahalaga lang ng mahigit 400 Milyong Piso.
Maging sa budget ng Office of the Ombudsman na nagkakahalaga ng mahigit 2.6 Billion Pesos ay walang Senador ang tumayo para magtanong kaya’t agad itong dineklarang deemed submitted.
Bagamat nagpaunlak na mainterview si Robredo, inilimita lamang ito sa budget at tumanggi itong sumagot sa tanong na may kaugnayan sa pagbagsak ng rating ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Maging si Ombudsman Morales ay tumangging magpa interview dahil sa pangambang lalo lang siyang mapag-initan.