Dakong 9:55 ng umaga naman ng dumating sa Carangcang Elementary School sa bayan ng Magarao, Camarines Sur si presidential aspirant Vice President Leni Robredo.
Hindi rin tumanggap si Robredo ng special treatment at pumila nang 20 minuto.
Samantala, ang running-mate ni Robredo na si Senador Francis “Kiko” Pangilinan ay matiyaga ring pumila upang makaboto.
Sa Inchican Elementary School sa Silang, Cavite bumoto ang senador.
Kasama ni Pangilinan ang kanyang asawa na si Sharon Cuneta, at sinabing handa silang tanggapin ang magiging resulta ng halalan basta’t patas ito.