Nakatakdang bumalik ng Pilipinas si Vice President Leni Robredo ngayong Huwebes.
Ito ay matapos ng kanyang isang linggong biyahe sa Amerika para dumalo sa imbitasyon ng Philippine – American Symphony Orchestra Gala 2017 sa Los Angeles.
Sa Facebook post ni Robredo, kanyang sinabi na matapos magtungo sa nasabing aktibidad ay dumaan na rin siya sa Massachusetts upang kamustahin ang panganay na anak na si Aika.
Aniya, kanyang tinulungan ang anak sa pag-aayos ng tutuluyang apartment kung saan mag-aaral ito ng kanyang Master’s Degree Program sa Harvard University.
Matatandaang, Hunyo 15 nang bumiyahe patungong Amerika si Robredo nang walang abiso kasabay ng araw na hindi nagpapakita sa publiko si Pangulong Rodrigo Duterte.
By Krista De Dios | With Report from Jonathan Andal