Binatikos ni Vice President Leni Robredo ang Ombudsman bunsod ng paglilimita sa public access ng Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng mga government officials.
Ginawa ni Robredo ang pahayag matapos magpalabas ng direktiba ang anti-graft office na nagsasaad na papayagan lamang nito ang paglalabas ng SALN kung ito’y para sa ginagawang imbestigasyon, kautusan mula sa korte, at awtoridad mula sa mismong opisyal na nagmamay-ari ng dokumento.
Giit ni Robredo, sa pamamagitan nito ay tila binibigyan lamang ng lisensya ng Ombudsman ang mga opisyal ng pamahalaan para maitago ang kanilang kayamanan.