Binisita ni Vice President Leni Robredo kaninang umaga ang burol ng disi-syete anyos na binatilyong si Kian Loyd Delos Santos na napatay sa Oplan Galugad sa Caloocan City.
Dakong ala-sais ng umaga nang dumating si Robredo sa tahanan ng mga Delos Santos para personal na magpaabot ng pakikiramay.
Bukod sa pakikipag-usap sa ama ni Kian na si Zaldy, nagtungo rin si Robredo sa lugar kung saan pinatay ang binatilyo.
Nangako rin ng ang pangalawang pangulo na magbibigay ng tulong sa pamilya delos santos partikular ang pagbibigay ng free legal assistance.
Una nang dumalaw sa burol ni Kian si Senator Risa Hontiveros, kahapon kung saan tiniyak nito ang pagbibigay ng proteksyon at seguridad sa pamilya Delos Santos.