Binuweltahan ng Malakaniyang si Vice President Leni Robredo matapos nitong sabihin na dapat ay kilalanin muna ng China ang soberenya ng Pilipinas sa West Philippine Sea bago ituloy ang nakatakdang joint oil exploration deal nito sa Pilipinas sa nabanggit na lugar.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi niya maintindihan kung saan nakukuha ni Robredo ang kaniyang mga sinasabi.
Ani Panelo, kahit pa sabihin na hindi kinikilala ngayon ng China ang soberenya ng Pilipinas sa West Philippine sSa ay bukas naman aniya ang mga ito sa mga negosasyon.
Sa katunayan umano, mas paborable sa Pilipinas ang mga kondisyon sa joint exploration deal dahil nagkasundo ang China at ang bansa sa 60-40 na hatian.