Kinumpirma ni Vice President Leni Robredo ang imbitasyon sa kanya ng Pangulong Rodrigo Duterte na makasalo sa hapunan.
Ayon kay Robredo, bukas syang pagbigyan ang imbitasyon ng Pangulo sa kabila ng mga babala na posibleng isa na naman itong uri ng patibong.
Binigyang diin ni Robredo na Pangulo na mismo ang nag-alok ng kanyang kamay kayat masama naman kung hindi nya ito mapagbibigyan.
Sinabi ni Robredo na bagamat kinikilala niya ang pangamba ng kanyang supporters, makabubuti pa rin kung titignan nila ang imbitasyon ng Pangulo na may magandang intensyon.
By Len Aguirre