Tiyak na ang pagdalo ni Vice President Leni Robredo sa ikalawang cabinet meeting sa Malacañang ngayong araw.
Ito ang kinumpirma ng Palasyo makaraang italaga mismo ng Pangulo si Robredo para pamunuan ang Housing and Urban Development Coordinating Council o HUDCC.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernie Abella, pangungahan ng Pangulo ang nasabing pagpupulong kung saan inaasahang pormal na ipakikilala si Robredo sa miyembro ng gabinete.
Sa panig naman ng Bise Presidente, sinabi ni Georgina Hernandez, tagapagsalita ni Robredo na kanila nang pinlantsa ang iskedyul ng Pangalawang Pangulo para masiguro na dadalo ito sa cabinet meeting sa kauna-unahang pagkakataon.
By Jaymark Dagala