Nananawagan si Vice President Leni Robredo sa mga Pilipino na isantabi ang politika sa paggunita sa ika-33rd anibersaryo ng 1986 EDSA People Power Revolution.
Ayon kay Robredo, dapat nang matigil ang maling pakahulugan sa EDSA Revolution na idinidikit lamang bilang tagumpay ng mga tinatawag na dilawan.
Iginiit ni Robredo, hindi ito dapat ibinibigay lamang sa isang kulay o grupo sa politika, bagkus ay isiping tagumpay ito ng lahat ng nakiisa para mapatalsik ang diktador na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Dagdag pa ng bise presidente, dapat ito maging paalala sa lahat na hawak ng mga nagkakaisa at ordinaryong mamamayan ang kapangyarihan sa isang demokratikong bansa.