Dapat mag-public apology si Vice President Leni Robredo kung talagang wala itong masamang intensyon sa kanyang naging panawagan sa sesyon ng 60th United Nations on Narcotic Drugs Annual meeting sa Vienna, Austria noong March 16.
Kumbinsido ang Volunteers Against Crime and Corruption o VACC na treason o pag-ta-traydor ang mga paratang at pagpuna na binitiwan ni Robredo laban sa drug war ng Administrasyong Duterte.
Ayon kay VACC Founding Chairman Dante Jimenez, pinalulutang ng Pangalawang Pangulo sa buong mundo na walang umiiral na gobyerno sa Pilipinas.
Sinisira rin umano ni Robredo ang imahe ng bansa sa pamamagitan ng hindi naman beripikadong paratang.
Igiit anya ng VACC kay Robredo ang paghingi ng public apology pero sakaling tumanggi ay maaari nilang ikunsidera ang paghahain ng disbarment case laban sa Bise Presidente.
By: Drew Nacino / Aya Yupangco