Naniniwala si Senador Antonio Trillanes IV na kailangang siraan ng Malacañang si Vice President Leni Robredo upang mailihis ang publiko sa mga isyu ng impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Trillanes na hindi totoong atat nang maging Presidente si Robredo dahil tahimik lang niyang ginagampanan ang mga tungkulin bilang Pangalawang Pangulo.
Tiwala si Trillanes na maipagtatanggol ni Robredo ang sarili kapag tuluyan siyang sampahan ng impeachment complaint sa Kamara.
Pakingan: Bahagi ng pahayag ni Sen.Antonio Trillanes IV
By: Avee Devierte / Cely Bueno