Dismayado si Vice President Leni Robredo sa pagpapalabas ng warrant of arrest at hold departure order ng Makati City Regional Trial Court (RTC) laban kay Senador Antonio Trillanes IV.
Ayon kay Robredo, malinaw na bahagi ito ng mga hakbang ng pamahalaan para gipitin ang mga kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Iginiit ni Robredo, hindi tamang gipitin ng pamahalaan ang mga kritiko nito at dapat aniya binibigyan ng kalayaan ang lahat na magpahayag ng opinyon, komento at saloobin.
Hindi aniya nangangahulugang may masama nang binabalak laban sa pamahalaan ang nagpapahayag ng pagtutol sa ilang mga pamamaraan at pamamalakad ng administrasyon.
Dagdag pa ni Robredo, walang basehan ang pagpapaaresto kay Trillanes gayundin ang pagbawi sa ibinigay na amnestiya dito.
—-