Dismayado si Vice President Leni Robredo sa pagkakasibak kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Sa kanyang talumpati kanina, hindi naiwasan ni Robredo na mangamba para sa Hudikatura at sistema ng katarungan sa bansa.
Hinikayat naman ng Pangalawang Pangulo ang publiko na maging mapagmatiyag sa mga susunod na pangyayari at magkaisa para sa Hudikatura at Saligang Batas.
Hinihikayat natin ang sambayanang Pilipino na patuloy na bantayan ang mga susunod na pangyayari. Pag-isahin natin ang mga boses para ipagtanggol ang institusyon ng ating Hudikatura, ang Saligang Batas at higit sa lahat, ang ating demokrasya. Bilang Pangalawang Pangulo, tinitiyak ko sa inyo, hindi pa tapos ang laban lalo na at naging malapit ang botohan sa isang mabigat na desisyon tulad nito. Sama sama nating isulong ang lahat ng nararapat na hakbang para itama ang pagkakamaling ito. Ito ang tanging paraan para manumbalik ang tiwala ng taumbayan. Tuloy ang laban. Pahayag ni Robredo