Dumistansya si Vice President Leni Robredo mula sa grupong Tindig Pilipinas, isang bagong tatag na grupo na binubuo ng mga kritiko ng administrasyong Duterte.
Ito’y matapos mamataan si Robredo at iba pang miyembro ng Tindig Pilipinas sa isang misa sa UP o University of the Philippines noong Setyembre 21 para sa anibersaryo ng Martial Law.
Ayon kay Robredo, hindi siya miyembro ng grupong ito.
Aniya, dumalo lamang siya sa nasabing misa dahil mahalaga sa kaniyang gunitain ang mahabang panahong pakikipaglaban sa diktadurya.
Naniniwala si Robredo na ang mga grupong tulad ng Tindig Pilipinas ay dapat organic o dapat pangunahan ng mga pribadong sibilyan at hindi mga pulitiko para hindi pagdudahan ang intensyon ng grupo.
Kabilang sa grupong Tindig Pilipinas ang mga Liberal Party (LP) senators na miyembro ng minorya at mga miyembro ng House Independent Minority bloc.