Fully vaccinated na si Vice President Leni Robredo.
Ito’y makaraang maturukan ng second dose ng Astrazeneca COVID-19 si Robredo sa Pinyahan Elementary School sa Quezon City.
Mababatid na si Robredo at kasama nitong staff ay kabilang sa A3 category o ‘yung mga indibidwal na may commorbities o sakit sa ilalim ng vaccination program ng ating pamahalaan.
Kasunod nito, pinasalamatan ni Robredo ang mga tauhan sa vaccination site na mula sa lokal na pamahalaan, mga medical frontliners at iba pang volunteers.