Handa si Vice President Leni Robredo na mabakunahan ng COVID-19 sa harap ng publiko.
Ayon kay Atty. Barry Gutierrez, tagapagsalita ni Robredo, ito’y para mahikayat ang mga Pilipino na magpabakuna.
Magugunitang hinamon ni Sen. Christopher Bong Go si Robredo na sabay-sabay silang magpabakuna konta COVID-19 kasama si Pangulong Rodrigo Duterte upang bumalik ang tiwala ng publiko sa bakuna.