Pinuri ni Vice President Leni Robredo ang pagbibitiw sa pwesto ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong bilang contact tracing Czar matapos itong dumalo sa isang birthday party na nakitaan ng ilang mga paglabag sa health protocols.
Ayon kay Robredo, bilib siya sa pag-ako sa pananagutan ni Magalong at aniya’y dapat ganito rin ang gawin ng mga opisyal ng gobyerno na nalalagay sa kaparehas na sitwasyon.
Matatandaang dinaluhan ni Magalong at ng ilan pang sikat na personalidad ang birthday party ni Tim Yap nitong Enero 17.—sa panulat ni Agustina Nolasco