Paglaganap ng pag – ibig at pag – asa sa isa’t isa ang hiling ni vice President Leni Robredo ngayong bagong taong 2018.
Sa kanyang New Year message, sinabi ng Pangalawang Pangulo na tanglaw pa rin ng pag – asa ang mga Pilipino sa kabila ng hinaharap na pagsubog.
Nariyan na aniya ang pagkalat ng negatibismo at galit gayundin ang paglaganap ng takot at karahasan sa lipunan.
Kasunod nito, nangako si Robredo na paiigtingin pa ng kanyang tanggapan ang adhikaing maiangat ang bawat Pilipino mula sa kahirapan lalo na ang mga nasa laylayan ng lipunan.