Hindi dapat mangamba si Vice President Leni Robredo sa posibleng kahinatnan ng kanyang posisyon kasunod ng pagkakasibak kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno.
Ang pahayag ay ginawa ni San Beda Graduate School of Law Dean Fr. Ranhilio Aquino matapos tanggalin ng mataas na hukuman si Sereno bunga ng ‘quo warranto petition’ ni Solicitor General Jose Calida.
Subalit sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Aquino na kung wala namang maling ginawa o nilabag na batas si Robredo ay wala itong dapat ipangamba.
Una nang iginiit ni Robredo na baka siya na ang susunod, kasabay ng pahayag na nangangamba ito para sa hudikatura at sistema ng katarungan sa bansa.
Nilinaw naman ni Aquino na ang legal action na inihain ni dating Sen. Bongbong Marcos laban kay Robredo ay isang uri ng ‘quo warranto case’.
“She just have to see to it that when she was elected, she fulfilled all the requirements of a vice president and I don’t think Leni failed to meet any of the requirements. Actually, the action brought by Bongbong (Marcos) against her is a quo warranto case.”
(From Sapol Interview)