Hindi masabi ng Malacañang kung itinuturing na kaaway o kaibigan si Vice President Leni Robredo na hindi pa rin binibigyan ng cabinet position ng Pangulong Rodrigo Duterte
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar bahala na ang publiko na humusga dahil nasaksihan naman ng lahat ang pagkikita nina Duterte at Robredo sa panunumpa ng bagong AFP Chief sa Camp Aguinaldo nuong Biyernes
Sinabi ni Andanar na prerogative pa rin ni Duterte kung bibigyan on hindi ng puwesto sa gabinete si Robredo
By: Judith Larino