Tila hindi umano nauunawaan hanggang sa ngayon ni Vice President Leni Robredo ang kampaniya kontra iligal na droga ng administrasyong Duterte.
Iyan ang reaksyon ng Dangerous Drugs Board (DDB) sa panawagan ni Robredo kay Pangulong Rodrigo Duterte na itigil na ang kampaniya nito kontra droga dahil sa kabiguan nitong masugpo ang problema.
Sa inilabas na pahayag ng DDB, labis nitong ikinalungkot ang naging pahayag ng pangalawang pangulo dahil sa posibilidad na sadyang binibigyan ito ng mga maling datos na siyang nagtutulak sa kaniya na gawin ang naturang pahayag.
Nanindigan ang DBB na ang kampaniya ng pamahalaan kontra droga ay nakasalig sa Executive Order 66 na nag-aatas sa lahat ng ahensya ng pamahalaan na gawin ang kanilang mandato at pananagutan sa ilalim ng Philippine Anti-illegal Drugs Strategy (PADS).
Batay sa datos ng DDB, halos 1,000 mga Local Government Units (LGUs) na ang mayruong community based rehabilitation program mula sa 1,634, kung saan nasa mahigit 179,000 drug dependents na rin ang nabenepisyuhan nito.