Hindi na papatol pa si Vice President Leni Robredo sa negatibong komento at bansag sa kanya na ‘Miss Tapia’ dahil sa pustura nito sa isinagawang public address nitong August 24.
Ito’y makaraang umani ng negatibong komento ang suot ng pangalawang pangulo na nag-ala Miss Tapia na kilalang mahigpit na guro sa isang sikat na programa sa telebisyon.
Kabilang sa pumuna kay Robredo ang beteranang aktres na si Vivien Velez.
Tugon ni Robredo sa isang post online, ang naturang komento ay hindi na lamang niya papatulan, sa halip ay mananawagan na lamang sa publiko na suportahan ang mga ‘local brands’ ng damit tulad ng kaniyang isinuot.
Dagdag pa ni Robredo, ang may-ari ng pinagtawanang damit ay nagbibigay ng mga personal protective equipments (PPE) sa mga frontline workers bilang panlaban kontra COVID-19.