Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang mga health expert na pangunahan ang pangungumbinsi sa publiko para magpabakuna kontra COVID-19.
Ito’y ayon sa pangalawang Pangulo ay bilang bahagi ng mas pinaigting na kampaniya ng gobyerno na pataasin ang kamalayan at kumpiyansa ng mga Pilipino sa mga bakuna.
Sa kaniyang lingguhang programa sa radyo, sinabi ni Robredo na mahalagang maabot ang tinatawag na herd immunity subalit hindi maaabot ito kung hindi magtitiwala ang publiko sa mga bakuna kahit bumaha pa nito sa bansa.
Naniniwala ang pangalawang Pangulo na magtatagumpay lamang ang kampaniya ng pamahalaan para sa mga bakuna kung magiging seryoso lamang ito sa pagpapatupad ng mga polisiya upang masupil ng tuluyan ang pandemya.