Hinikayat ni Vice President Leni Robredo na pag-aralan at repasuhin ang mga polisiya at regulasyon sa mga dayuhang empleyado ng Philippine Offshore Gaming Operation (POGO).
Kinuwestyon din ni Robredo ang tila pagkupkop sa mga Chinese workers ng POGO na hindi sigurado kung legal ang mga ito.
Aniya, kailangang matignan kung legal ba ang lahat ng dokumento na meron ang mga manggagawa at masiguro na lahat ng kilos sa POGO ay naaayon sa batas.
Matatandaang noong nakaraang linggo ay hinikayat ng embahada ng China ang pamahalaan ng Pilipinas na siguraduhing tama ang pagtrato sa kanilang mga mamamayan na nagtatrabaho sa bansa.