Hinimok ni Vice President Leni Robredo ang pamahalaan na tutukan ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) positivity rate ng bansa at pagsasagawa ng mas marami pang tests.
Ito ang iminungkahi ng pangalawang pangulo matapos na umakyat sa ika-dalawampu ang pilipinas sa listahan ng mga bansang may pinakamataas na naitalang kaso ng COVID-19.
Ayon kay Robredo, kinakailangang dagdagan pa an mga isinasagawang COVID-19 tests para maabot ang target na mababang positivity rate o porsyento ng mga taong nagpositibo sa virus sa bansa.
Sinabi ni Robredo, bagama’t maganda na rin ang kasalukuyang 8% hanggang 9% na positivity rate, malayo-layo pa rin ito sa dapat na target na 4%.
Biniyang diin pa ni Robredo, kailangang i-improve o mas paghusayin pa ang mga ikinakasang hakbang ng pamahalaan kahit pa may mga pag-aaral na gumanda na ang datos ng bansa nitong Setyembre.