Aminado si Vice President Leni Robredo na malaking hamon ngayon sa bansa ang umiiral na pagkalimot, pananahimik at pagkikibit balikat sa mga nangyayaring pang-aabuso sa lipunan.
Iyan ang binigyang diin ng Bise Presidente kaalinsabay ng paggunita kahapon ng ika-47 taon ng pagdideklara ng batas militar noong rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Hinimok ni Robredo ang lahat ng mga naging biktima ng pang-aabuso noong Martial Law na maglakas loob na manindigan laban sa pang-aabusong nararanasan pa rin ng bansa hanggang sa kasalukuyan.
Higit sa pag-alala, sinabi ni Robredo na dapat hindi lang tuwing Setyembre 21 pahahalagahan ang mga ginawang sakripisyo ng mga naging biktima ng iba’t-ibang pagmamalabis kung hindi dapat tiyakin na walang puwang ang diktadurya sa isang malayang bansa.