Humarap sa mga opisyal ng Estados Unidos si Vice President Leni Robredo bilang co-chair ng Inter Agency Committee on Anti-illegal Drugs.
Sa kahilingan na rin ni Robredo, inilatag sa kanya ng U.S Delegation ang estado ng pagtutulungan ng Amerika at Pilipinas pagdating sa kampanya kontra droga.
Kabilang sa nakaharap ni Robredo ang kinatawan ng U.S Federal Bureau of Investigation, Drug Enforcement Agency, U.S State Department at U.S Agency for International Development.
Ayon kay Robredo, napag usapan rin sa pulong ang mga kakulangan ng kasalukuyang kampanya at ang mga tulong na maaari pang maibigay ng Amerika para lalong mapaigting ang kampanya kontra droga.
Kabilang anya sa mga suhestyon ng U.S officials ang pagtatatag ng malinaw na baseline data sa sitwasyon ng illegal drugs sa bansa, pagrepaso sa Comprehensive Dangerous Drugs Act at pagpapatatag sa mga programa kung paano maiiwasan ang paggamit ng illegal drugs at community based drug rehabilitation.
Una nang nakipag pulong si Robredo sa mga opisyal ng United Nations Office on Drugs and Crime.
TINGNAN: Vice President Leni Robredo, nakipagpulong sa FBI, DEA, State Department at USAID officials kaugnay sa mga programa na posibleng makatulong sa ‘drug demand reduction’ (: OVP) pic.twitter.com/cUjn7Nckyg
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) November 13, 2019