Humingi ng paumanhin si Vice President Leni Robredo sa kanyang litrato kasama ang ilang mambabatas ng Liberal Party (LP) sa isang Holocaust memorial sa Germany.
Sinabi ni Robredo na nais niyang mag-sorry kung naka-offend sila o hindi naging sensitibo sa pananaw ng iba.
Wala naman aniya silang malisya nang magpa litrato sa Holocaust memorial subalit siya na ang nagso-sorry sa nangyari.
Kabilang sa mga nag-pose sa nasabing Holocaust memorial kasama ni Robredo sina Ifugao Congressman Teddy Baguilat, Quezon City Congressman Jose Christopher ‘Kit’ Belmonte, Dinagat islands Representative Kaka Bag-ao, Marikina Representative Miro Quimbo, dating Budget secretary Florencio Butch Abad at LP president Francis Pangilinan.