Nagsimula ng umarangkada ang vaccine express ng tanggapan ni Vice President Leni Robredo kabilang ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa pangunguna ni Manila Mayor Isko Moreno.
Ang naturang vaccine express ay pagbabakuna sa mga economic frontliners tulad ng tricycle, pedicab, at delivery riders, mula sa lungsod ng maynila na kabilang sa A4 category ng priority groups.
Nagpaabot ng pasasalamat sina VP Leni at Mayor Isko sa tanggapan ng bawat isa dahil all-out na kooperasyon at suporta na binigay ng mga ito para sa pagpapaigting ng vaccination drive ng lungsod.
Ipinabatid naman ni Moreno na malaking tulong ang inisyatibo ng OVP para sa mga riders at drivers kaya’t naituloy ang vaccine express para sa mga vendors sa lungsod.
Isa lamang ang vaccine express sa maraming sinimulan ng tanggapan ni robredo para sa pagtugon ng pangangailangan ng mga Pilipino sa gitna ng banta ng COVID-19.