Mariing itinanggi ni Vice President Leni Robredo na sumali siya sa mga kilos protesta para mapatalsik si Pangulong Rodrigo Duterte.
Tahasang sinabi ni Robredo na wala siyang alam na anumang ouster plot laban sa Pangulo at lalong hindi siya sangkot dito.
Nauna nang sinabi ng Pangulo na kaya niya pinagbawalang dumalo si Robredo sa mga cabinet meeting ay dahil sa pagdalo ng Bise Presidente sa mga kilos protesta laban sa kanya.
Ayon kay Robredo, hindi dapat isipin ng Presidente na conspiracy ang mga kritisismong ipinupukol laban sa kasalukuyang administrasyon.
Iginiit ng Bise Presidente na karapatan ng bawat mamamayan na magpahayag ng opinyon kahit pa kontra ito sa mga desisyon o plano ng administrasyon.
By: Meann Tanbio / Jonathan Andal