Kumpiyansa si Vice President Leni Robredo na hindi magtatagumpay ang planong pagpapatalsik sa kanya bilang ikalawang pangulo ng bansa.
Kasunod ito ng binitiwang pahayag ni Senador Antonio Trillanes na bago matapos ang 2017, magkakaroon na ng bagong bise presidente ang pilipinas dahil sa pag-usad ng Election Protest ni Dating Senador Bongbong Marcos.
Ayon kay Robredo, hindi niya papayagang mayurakan ang mandatong ibinigay sa kanya ng nakararaming pilipino.
Kahit ano pa aniyang binabalak na masama ng mga kalaban niya sa pulitika, hindi ito magtatagumpay kung hindi papayagan ng taumbayan.
By: Meann Tanbio / Jonathan Andal