Kinundena ni Vice President Leni Robredo ang paglusot sa Kamara ng death penalty bill.
Sa kanyang pagharap sa Women’s Democracy Forum kaugnay sa pagdiriwang ng International Women’s Day, binigyang diin ni Robredo na dapat ay mas mahabang panahon ang inilaan sa pagtalakay sa nasabing panukala na bahagi aniya ng isang seryoso at mahalagang polisiya.
Ayon pa kay Robredo, dapat mabigyan ng ikalawang pagkakataon ang nagkasala sa ilalim ng batas dahil ang criminal justice system naman ng bansa ay para sa rehabilitation at hindi lamang para sa retribution o pagpaparusa.
By Judith Larino |With Report from Jonathan Andal