Nagresign na bilang pinuno ng (HUDCC) Housing and Urban Development Coordinating Council si Vice President Leni Robredo at tuluyan nang kumalas sa gabinete ng Duterte Administration simula bukas, December 5, 2016.
Sa inilabas na pahayag ni VP Robredo, simula pa lamang ng kanilang pamamahala ay mga pagkakaiba na sila ng estilo at prinsipyo ni President Rodrigo Duterte.
Kasama na rito ang usapin ng pagbabalik ng parusang kamatayan, extra judicial killings sa bansa, patuloy na sexual attacks laban sa mga kababaihan, ang pagpapalibing kay dating Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani at ang umano’y hakbang para patalsikin siya bilang Pangalawang Pangulo ng bansa.
Dagdag pa rito ay ang pagtatangap umano ang Pangalawang Pangulo ng text mula sa kampo ni Cabinet Sec. Jun Evasco Jr. na may direktiba ni Pres. Duterte na idinaan kay Special Assistant to the President Bong Go na huwag na siyang umattend sa mga susunod na cabinet meetings.
Sinabi rin ni VP Robredo sa kanyang inilabas na statement na hindi niya hahayaan ang sinuman na nakawin ang kanyang pwesto sa pagka Pangalawang Pangulo ng bansa.