Nakiusap si Vice President Leni Robredo sa publiko na magkaisa at magtiwala sa kakayahan ng Armed Forces of the Philippines o AFP na maibalik sa normal ang sitwasyon sa Marawi, City.
Ito ay matapos ang security briefing ng Armed Forces of the Philippines sa bise presidente sa Camp Aguinaldo.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Vice President Leni Robredo
Sinabi ng Bise Presidente na makabubuti rin kung mananatiling kalmado ang publiko at pipigilan ang pagkalat ng maling balita hinggil sa sitwasyon sa social media.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Vice President Leni Robredo
By Katrina Valle
Photo: OVP