Mariing tinutulan ni Vice President Leni Robredo ang posibilidad na pagde – deklara ng revolutionary government.
Ayon kay Robredo, ito ay isang malinaw na pagyurak sa konstitusyon ng bansa.
Aniya, nakakabahala ang mga panawagang magkaroon ng revolutionary government lalo’t ilan sa mismong mga nagsusulong nito ay nasa gobyerno.
Posible aniyang hindi lamang naiintindihan ng mga taga – suporta nito ang tunay na ibig sabihin ng revolutionary government at sumusuporta lamang dahil sa pangakong magkakaroon ng posisyon kung itataguyod ang revolutionary government.