Mas magiging kritikal si Vice President Leni Robredo sa ilang polisiya ng Administrasyong Duterte.
Ito ayon kay Georgina Hernandez, spokesperson ni Robredo ang maaasahan ng publiko matapos mag resign ang Bise Presidente bilang HUDCC chair.
Sinabi ni Hernandez na mas magiging malakas ang boses ni Robredo hinggil sa mga usaping may kaugnayan sa hindi pag respeto sa karapatang pantao lalo na sa usapin ng extra judicial killings.
Patuloy aniyang kokontrahin ni Robredo ang pagsusulong ng Pangulo na buhayin ang parusang kamatayan at maging ang naging paghihimlay sa dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng Mga Bayani.
By: Judith Larino