Komporme si Vice President Leni Robredo sa Constitutional Convention o CONCON na siyang paraan sa pagbabago ng saligang batas.
Sinabi ni Robredo na nais niya ang Concon kung saan boboto ang publiko ng mga delegadong babalangkas ng bagong konstitusyon.
Sa Concon kasi aniya ay mas matututukan ng mga ihahalal na delgado ang pagbago sa konstitusyon, hindi tulad sa Constituent Assenbly o Con-Ass na madagdagan pa ang kasalukuyang trabaho ng mga Kongresista at Senador.
Sa kabila nito, sinabi ng Bise Presidente na bukas siya sa Con-Ass lalo’t may plano rito ngayon na bumuo ng Constitutional Committee na tulad ng council of elders na magbibigay ng payo sa mga babalangkas ng bagong saligang batas.
By: Meann Tanbio / (Reporter No. 31) Jonathan Andal