Nilinaw ng Malacañang na imbitado si Vice President Leni Robredo sa pagbubukas ng ASEAN o Association of Southeast Asian Nations sa CCP o Cultural Center of the Philippines ngayong araw.
Ito’y makaraang hindi nakita si Robredo sa tradisyunal na pagsalubong sa mga dumarating na heads of state at mga delegado ng ASEAN Summit at iba pang mga partner countries nito noong Sabado hanggang kahapon.
Kasabay nito, may nakatakda ring talumpati ngayong araw ang Pangalawang Pangulo sa ASEAN Investment and Business Summit na gagawin sa Solaire Resort and Casino sa Pasay City.
Batay din sa program of events mula sa ASEAN National Organizing Committee, pangungunahan ni Robredo ang closing ceremonies bukas, ika-labing apat ng buwang kasalukuyan.
—-