Magkakahiwalay na binisita nina Vice President Leni Robredo, Mayors Inday Sara Duterte ng Davao City at Lani Cayetano ng Taguig City ang Marawi, Lanao del Sur, kahapon.
Ito’y upang i-turn-over ang kani-kanilang donasyon para sa rehabilitasyon ng lungsod na nasira sa limang buwang sagupaan ng mga tropa ng gobyerno at Maute-ISIS.
Ipinaabot ni Robredo sa Amai Pakpak Medical Center at City Health Center ang mga gamot na nagkakahalaga ng kalahating milyong Piso bawat isa habang nagpunta sina Duterte at Cayetano sa Malutlot Elementary School at Marawi City Hall.
Nagpaabot naman ang dalawang alkalde bilang kinatawan ng “Tapang at Malasakit Alliance for the Philippines” ng donasyon na 5 million Pesos bawat isa mula sa kanilang local government.