Muling kinuwestiyon ni Vice President Leni Robredo ang pagiging epektibo ng war on drugs ng Duterte administrasyon.
Ito’y kasunod ng pagkamatay ng isang tatlong taong gulang na bata sa isang buy bust operation sa Rizal.
Ayon kay Robredo, hindi pwedeng tanggapin na lamang na nangyayari talaga ang sinapit ni Myka Ulpina na tila napapasama na lang sa mga bilang ng nasasawi sa mga drug operation.
Aniya, kung aayusin lamang ang isinasagawang police operations ay maiiwasan ang ganitong klase ng pangyayari.
Dagdag pa ng pangalawang pangulo, kung talagang epektibo ang kampanya kontra droga bakit aniya tila lalo pang dumarami ang iligal na droga sa bansa at ang mga nalululong dito.
Nadamay ang tatlong taong gulang na si Ulpina sa engkwentro sa ama nito na isang drug suspek at ng mga pulis sa Rodriguez, Rizal.