Hindi nagustuhan ni Vice President Leni Robredo ang akusasyon ni Senator Alan Peter Cayetano na ang Liberal Party ang nasa likod ng planong pagpapatalsik kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Robredo, na offend siya o nasaktan sa paratang ni Cayetano lalo ng sabihin ng Senador na ang bise presidente ang pangunahing makikinabang sa sinasabing Plan B o ang pagpapa- impeach kay Duterte para maupo ang Pangalawang Pangulo.
Seryoso anya ang mga alegasyong isiniwalat ng testigong si Edgar Matobato at dapat makuha ang katotohanan sa mga sinabi ng testigo sa pamamagitan ng demokratikong proseso at rule of law.
Sa cabinet meeting sa Malakanyang kahapon, personal na tiniyak ni Robredo kay Pangulong Duterte na walang plano ang Liberal na patalsikin ito sa pwesto.
Tiniyak din ni Robredo sa Pangulo ang suporta ng LP sa reporma na ipinatutupad ng kasulukuyang administrasyon.
By: Drew Nacino