Naalarma si Vice President Leni Robredo sa pagkamatay ni Mayor Rolando Espinosa habang nasa kustodiya ito ng pamahalaan.
Giit ng Ikalawang Pangulo, dahil sa nangyari, kwestyonable na ang integridad ng pambasang pulisya.
Lalo pa, aniya, ngayong maraming katanungan ang lumalabas sa inilatag na kwento ng Criminal Investigation and Detection Group kung paano namatay si Espinosa.
Tanong ngayon ni Robredo, sino ang magpupulis sa mga pulis?
Nanawagan din ang Bise Presidente para sa masusi, patas, at mabilis na imbestigasyon sa insidente para maiwasan ang pagtatakip sa panig ng PNP.
Hindi, aniya, dapat hayaan na tuluyang mawala ang tiwala ng publiko sa sistema ng hustisya lalo pa kung hindi mapanagot ang mga taong inilagay sa kanilang mga kamay ang batas.
Kaugnay nito, nakiramay si Robredo sa pamilya ng napaslang na si Mayor Espinosa.
By: Avee Devierte / Jonathan Andal